Ang babae, kahit na maraming sinasabi, minsan ay wala talagang sinasabi. O iba ang sinasabi. Maaaring ikwento niya sa kapitbahay o kaibigan kung paano siya napaso ng mantika habang nagpiprito, kung paano tumigil ng pagtulo ang tubig sa gripo habang naglalaba.
Pero hindi ang mga ito ang kanyang gustong ikwento. Ang totoo, kung ano pa talaga ang dapat niyang ikwento, ay siya pang hindi niya nasasabi o hindi naririnig sa kanya ng kapitbahay o kaibigan, at ito ay ang mga tuwa at hinanakit, na walang mga salita.
Joi Barrios, Ang Aking Prince Charming (at iba pang noveleta ng pag-ibig)
UP Press, 2001